M3.4 na lindol, naitala sa Surigao del Sur

Matapos ang magnitude 3.6 na lindol alas-11:53 kagabi ay isa pang pagyanig ang naitala sa Surigao del Sur.

Ala-1:15 ngayong madaling araw, isang magnitude 3.4 naman ang tumama sa bayan pa rin ng Lingig.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 21 kilometro Timog-Silangan ng Lingig.

May lalim itong 59 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng pagyanig at hindi naman inaasahan ang aftershocks.

Hindi rin inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian.

Read more...