PSG at MMDA nagturuan sa mabigat na trapik sa state visit ni Xi Jinping

Inquirer file photo

Dumistansya ang Presidential Security Group sa ipinatupad na road closure sa ilang lansangan sa Metro Manila sa dalawang araw na state visit sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Pahayag ito ng PSG matapos sabihin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ang PSG ang nagpasya sa un-annouced na road closure kahapon.

Ayon kay Captain Zeerah Blanche Lucrecia, tagapagsalita ng PSG, ang Philippine National Police at MMDA ang nagdesisyon na isara ang ilang mga kalsada para bigyan daan ang convoy ng pangulo ng China.

Sinabi pa ni Lucrecia, ang PNP at MMDA ang naglatag ng concept of operations para masiguro ang seguridad sa mga lugar na dadaanan ni Xi.

Dagdag ni Lucrecia, bilang host country sa state visit ni Xi, ginawa lamang nila ang nararapat na hospitality at security.

“In connection with the visit of Chinese President Xi Jinping, the Presidential Security Group had an array of tasks for its Security Preparations; that  includes Route Security and Traffic Management, in which case, we (PSG) have requested asistance from the PNP and the MMDA”, paliwanag ni Lucrecia.

Kasabay nito, umaapela ng pang unawa ang PSG sa publiko sa abalang dulot ng pagsasara ng ilang kalsada kahapon.

Matatandaang, umangal ang mga motorista kahapon dahil sa biglaang road closure sa mga kalsada partikular na sa Maynila.

Bukod dito marami din ang naglakad dahil sa matinding trapik.

Read more...