Trillanes dalawang buwang iikot sa UK, Spain, The Netherlands at US

Inquirer file photo

Naghain si Sen. Antonio Trillanes IV ng motion for leave of court to travel abroad sa Makati Regional Trial Court Branch 150 para payagang makapag-abroad simula December 11, 2018 hanggang February 10, 2019.

Ikinatwiran ng mambabatas na binigyan na siya ng travel authority ng liderato ng Senado.

Si Trillanes ay nahaharap sa kasong rebellion sa sala ni Judge Elmo Alameda ng Makati RTC Branch 150 kaugnay sa Manila Peninsula siege.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Trillanes na pupunta sina sa The Netherlands, Spain at United Kingdom simula December 11, 2018 hanggang January 12, 2019.

Nakatakda umano siyang mag-lecture ng “Democracy and rule of law in the Philippines” sa Universiteit Van Amsterdam.

Nakatakda rin siyang humarap sa ilang organisasyon sa nasabing mga bansa ayon sa kanyang liham sa hukuman.

Simula January 27, 2019 hanggang February 10, 2019 ay nakatakda naman siyang mag-ikot sa California, Washington at Maryland sa US.

Sinabi ni Trillanes na inimbitahan siya bilang speaker ng ilang mga organisasyon sa nasabing mga lugar.

Sa inihain niyang mosyon na may petsang November 19, 2018, humihirit si Trillanes na alisin ang kanyang hold departure order na inisyu ni Judge Alameda noong September 25.

Laman rin ng kanyang liham na dapat ay utusan ng hukuman ang Bureau of Immigration na ibigay ang kanyang mga kinakailangang dokumento sa gagawin niyang byahe sa labas ng bansa.

Read more...