Bagama’t ilang araw na lamang ang natitira bago matapos ang taon pero umaasa si Senate President Franklin Drilon na kakayanin pa rin nilang mailusot ang Salary Standardization Law of 2015.
Sinabi ni Drilon na kahit busy sa kasalukuyan ang Senado sa pagbusisi sa 2016 proposed national budget at pagsusulong sa Bangsamoro Basic Law ay may sapat pa rin silang panahon para isabatas ang dagdag na sweldo ng mga kawani ng gobyerno.
Ayon sa lider ng Senado, mismong si Pangulong Aquino raw ang nag-indorso sa nasabing panukala kaya tiniyak niya na ito’y maisasabatas sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Sakaling maging ganap na batas ay direktang mabibiyayaan nito ang 1.53Million na mga government officials at mga karaniwang empleyado.
Sa kasalukuyan ay P9,000 ang katumbas ng salary grade 1 pero kapag naisabatas ang dagdag na umento ay aakyat ito sa P9,478 sa para sa unang taon at dagdag na halaga pa para sa mga susunod na taon dito.