Konstruksiyon ng P56-M flood-control structure sa Caraycaray River sa Biliran natapos na ng DPWH

Para maibsan ang mga pagbaha at pinsala sa tao at sa agrikultura ay nakumpleto na ng
Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksiyon ng flood control project sa Caracay river sa Biliran province.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P56 million.

Ayon kay DPWH Biliran District Engineer David Adongay, ang katatapos lamang na proyekto ay nagkakahalaga ng P56-Million ay may mas matibay na pundasyon.

Makatutulong din ang naturang flood-control project para hindi masira ang sa Caraycaray Bridge na pangunahing daanan ng mga residente patungo at palabas ng mainland of Leyte.

Ang Caraycaray Bridge ay nasira ng Tropical Storm “Urduja” noong Disyembre ng 2017 na ngayon ay nadadaanan lamang ng light vehicles.

Sabi ni Adongay, ang implementasyon ng disaster-resilient structures katulad ng naturang proyekto ay prayoridad ng DPWH para masiguro ang mobilidad at kaligtasan ng mga tao sa lalawigan ng Biliran na madalas daanan ng mga kalamidad.

Read more...