Bagyong Samuel tumama sa kalupaan ng Barotac Nuevo, Iloilo

Oras, Eastern Samar | CONTRIBUTED PHOTO/ Celestino Pinangay

Muling naglandfall ang tropical depression Samuel.

Ayon sa PAGASA, alas 9:00 ng umaga nang tumama sa kalupaang sakop ng Barotac Nuevo, Iloilo ang bagyo.

Huli itong namataan sa bisinidad ng Leganes, Iloilo.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph malapit sa gitna at pagbugsong 65 kph.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 40 kilometers bawat oras sa direksyong West Southwest.

Sa ngayon nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa sumusunod na lugar:

LUZON:
Romblon
southern Oriental Mindoro
southern Occidental Mindoro
Palawan
Calamian group of islands
Cuyo group of islands

VISAYAS:
Northern Cebu
northern Negros Occidental
Guimaras
Iloilo
Capiz
Aklan
Antique

Inalis naman na ng PAGASA ang storm warning signal sa Masbate, Bilitan at Leyte.

Sa pagitan ng bukas ng umaga hanggang gabi maaring lumabas ng bansa ang bagyo.

Read more...