Appointment paper ni Faeldon sa BuCor inilabas na ng Malakanyang

Opisyal na ang appointment ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay makaraang ilabas na ng Malakanyang ang appointment paper ni Faeldon.

Ang appointment ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, araw ng Martes, Nov. 20.

Magugunitang inanunsyo na ni Pangulong Durterte noong Oktubre na si Faeldon ang napili niya para ipalit kay Ronald Dela Rosa sa BuCor.

Read more...