Ilang flights kanselado dahil sa sama ng panahon

Kanselado ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw, Nov. 21 dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Samuel.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kanselado ang sumusunod na flights:

Cebu Pacific:
– 5J 821/822 Manila – Virac – Manila
– 5J 321/322 Manila – Legazpi – Manila

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Virac.

Pinayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company par asa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.

Read more...