Sa joint statement kagabi, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte malaki na ang nagawa ng maraming dayalogo sa pagitan ng Pilipinas at China.
Dahil anya sa mga dayalogo, sinabi ni Pangulong Duterte na personal na niyang naipaabot kay President Xi ang mga intisyatibo sa regional at international arena lalo na sa sustainable code of conduct sa South China Sea.
Sinabi naman ni President Xi na dahil sa may maganda nang relasyon ang dalawang bansa at makatitiyak ang Pilipinas na makikipagtuilungan ang kanlang bansa.
Sa joint statement, napag-usapan din ang pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa kagaya na lamang ng sa bilateral trade at investment promotion.
Natalakay din ng dalwang lider ang usapin sa build build build program pati na ang konstruksyon at rehabilitasyon sa Marawi City.
Napag-usapin din ng dalawang lider ang belt and road initiative ng China.