Eduard Folayang handa na para sa ONE Championship Grand Prix

Sa ikalawang pagkakataon ay lalaban si Eduard Folayang sa ONE Championship Grand Prix lighweight division.

Sa press conference para sa naturang torneo, sinabi ni Folayang na bago ang Grand Prix ay handa na siya para sa kanilang tapatan ni Amir Khan na gaganapin sa Biyernes.

Ayon kay Folayang target niyang mabawi ang titulo bilang lightweight champion.

Kung papalarin, siya ang kauna-unahang two-time lightweight champion ng ONE. Siya rin ang magiging ikaapat na champion ng ONE mula sa Team Lakay.

Noong nakaraang taon ay tinalo ni Martin Nguyen si Folayang, dahilan upang matanggal ang kampeonato sa Pilipinong mixed martial artist.

Isasagawa naman sa 2019 ang ONE Championship Grand Prix kung saan ang gagawing torneo ay last-man-standing. Walong manlalaro para sa flyweight at lightweight division ang maglalaban-laban upang makamit ang world title.

Read more...