House Speaker GMA at Senate President Tito Sotto present sa state banquet para kay President Xi

Pasado alas-8:00 na nang magsimula ang state banquet para kay Chinese President Xi Jinping.

Pagpasok sa Rizal Hall, sinalubong si Xi ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña.

Nasa state banquet din sina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at Senate President Tito Sotto.

Tumagal ng dalawang oras ang state banquet at alas-10:00 kagabi nang umalis sa Malacañan si Xi.

Agad na magtutungo si Xi sa Shangrila hotel sa BGC sa Taguig kung saan siya nananatili.

Read more...