Mandy Moore ikinasal na

Rodarte

Sa isang pribadong seremonya ay ikinasal na ang singer-actress na si Mandy Moore sa musician na si Taylor Goldsmith.

Isinagawa ang intimate ceremony sa malawak na bakuran ng bahay ni Mandy sa Los Angeles. Habang ginawa naman ang reception nito sa The Fig House sa Highland Park, L.A.

Suot ni Mandy ang isang pink tulle embroidered gown na ginawa ng Rodarte.

Noong Setyembre naging engaged si Mandy frontman ng bandang Dawes matapos maging magkasintahan sa loob ng dalawang taon.

Pawang mga malalapit na kaibigan at pamilya ng dalawa ang dumalo sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ito na ang ikalawang kasal ni Mandy, matapos unang mapangasawa si Ryan Adams noong 2009. Makalipas ang anim na taon ay nag-divorce ang dalawa.

Read more...