Tumama na sa kalupaan ng Borongan City, Eastern Samar ang tropical depression Samuel.
Batay sa huling weather advisory ng PAGASA, alas-2 ng madaling araw nang mag-landfall ang bagyo sa Borongan City.
Huling namataan ang sama ng panahon sa 30 kilometro silangan ng nabanggit na lungsod.
Napanatili nito ang lakas na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyong Samuel sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong hilagangkanluran
Kasabay ng pagtama sa kalupaan ng bagyo ay tinanggal na ng weather bureau ang tropical cyclone warning signal 1 sa buong rehiyon ng Mindanao at Siquijor.
Sa ngayon, umiiral ang signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
LUZON
– Masbate kasama ang Ticao Island
– Romblon
– southern Oriental Mindoro
– southern Occidental Mindoro
– Palawan kasama ang Cuyo Island at Calamian Group of Islands
VISAYAS
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Bohol
– Cebu
– Negros Oriental
– Negros Occidental
– Guimaras
– Iloilo
– Capiz
– Aklan
– Antique
Dala ng bagyong Samuel ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga rehiyon ng Western Visayas, Bicol, at MIMAROPA, maging sa mga lalawigan ng Cebu, Negros Oriental, at katimugang bahagi ng Quezon.
Inaasahang sa Biyernes ng gabi lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.