Kung ang ilang militanteng grupo ay nasa mga lansangan para ilabas ang hinaing sa state visit ni Chinese President Xi Jinping sa bansa, may iba namang nagaganap ngayon sa social media.
Ilan sa mga netizens ay nagpalit ng kanilang profile pictures gamit ang mga imahe ni Winnie the Pooh.
Bagaman cute ang mga lawaran, ilan sa mga social media users ay may mapait na captions sa kanilang profile pictures.
Paraan ito ng netizens upang ipakita ang protesta laban sa Chinese leader dahil sa agawan sa teritoryo sa South China Sea.
Ito ay dahil censored o ban pala sa China ang mga larawan ni Winnie the Pooh dahil sa tila kanyang pagkakahalintulad sa hitsura ni Xi.
Nagsimula ang paghahalintulad kay Xi at Pooh noong 2013 nang gumawa ng collage ang Chinese social media users ng picture ni pooh at ng kanyang tiger firend na si ‘Tigger’ katabi ang larawan nina Xi at dating US President Barack Obama.
Noong 2014 naman isa pang larawan ni Xi at Japanese Prime Minister ang itinabi sa larawan ni Pooh at kaibigan nitong donkey na si Eeyore.
Samantala, kung ilan sa mga netizens ay gamit na gamit si Pooh para igiit ang protesta kay Xi, isa naman ay nagsabing tigilan na ito dahil insulto ito sa cartoon character.