30 kasunduan nilagdaan sa state visit ni Xi Jinping

Halos tatlumpung kasunduan ang sinelyuhan ng Pilipinas at China sa state visit sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Saksi sina Pangulong Rodrigo Duterte at Xi sa ginanap na ceremonial signing of agreement sa Malacañang.

Kabilang sa mga nilagdaan na agreements o kasunduan ay ang pagtulong ng China sa Build Build Build project ng pamahalaan.

Kasama rin dito ang pagtulong ng China sa rehabilistasyon ng Marawi City, pagtulong sa kampanya kontra sa transnational crime at drug trade sa rehiyon at pagpapaunlad sa aspeto ng science and technology.

Sa kanyang pahayag ay sinabi ni Xi na kaisa ang kanilang bansa sa paghahanap ng solusyon sa gusot sa South China Sea.

Ilang beses ring inulit ng pangulo ng China na maganda ang pagkakaibigan ng kanilang bansa at Pilipinas at siya’y umaasa na magtatagal ang nasabing samahan.

Inihayag rin sa kanyang statement ang kahalagahan ng joint oil exploration pero hindi naman ito idinetalye ng dalawang lider.

Nauna nang lumutang ang mga ulat na posibleng magsagawa ng joint oil exploration sa South China Sea ang Pilipinas at China.

Read more...