40 taong kulong hatol sa recruiter ng Maute group

Inquirer file photo

Hinatulan ng Taguig City Regional Trial Court Branch 70 na mabilanggo ang recruiter ng Maute group sa Marawi City.

Si Nur Supian ay pinatawan ng 40 na taong pagkabilanggo matapos mapatunayan sa kasong terorismo.

Si Supian ang kumumbinsi ng mga tao para lumaban para sa  ISIS-inspired na Maute group sa Marawi city noong May 2017.

Hinatulan din ng korte sina Araji Samindih at Umad Harun na makulong ng mula mahigit 8 taon hanggang mahigit na 14 na taon dahil sa kasong rebellion dahil sa pagkakasangkot nito sa Marawi seige.

Ang mga kapwa akusado ni Supnian na sina Marvin Ahmad, Salip Ismael Abdulla at Issa Ukkang  ay pinawalang sala.

Na-acquit din sa kasong rebelyon sina  Monalisa Romato at Tahera Taher dahil sa kawalan ng malakas na ebidensya laban sa mga ito.

Read more...