Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 335 kilometers East ng Maasin City, Southern Leyte.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
LUZON:
Masbate including Ticao Island
Romblon
southern Oriental Mindoro
southern Occidental Mindoro
Northern Palawan including Cuyo Island Calamian Group of Islands
VISAYAS:
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Bohol
Cebu
Siquijor
Negros Oriental
Negros Occidental
Guimaras
Iloilo
Capiz
Aklan
Antique
MINDANAO:
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Misamis Oriental
Camiguin
Ayon sa PAGASA, ang mga residente na nasa ilalim ng signal number 1 ay makararanas na ng malakas na pag-ulan dulot ng bagyo na maaring magresulta pagbaha at landslides.
Mamayang gabi ay tatama ang bagyo sa kalupaan ng Samar-Leyte-Dinagat area.