Brgy. Kagawad at political officer ni Mayor Oreta, patay sa pananambang sa Malabon

Patay sa pananambang ang isang kagawad ng barangay sa Malabon City.

Nasawi si Rodrigo Tambo, 40 anyos na ayon kay Malabon City Public Information Officer Bong Padua ay nagsisilbi ring political officer ni Malabon Mayor Len Len Oreta.

Limang taon na ring lider si Tambo ng ng grupong “Arya Progresibo” isang samahan ng mga residente sa lugar at nag-number 1 kagawad ito noong katatapos na barangay elections.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Malabon police, sa pagitan ng alas 8:00 ng umaga at alas 9:00 ng umaga nang tambangan ng riding in tandem ang biktima.

Read more...