Pulis sugatan sa insidente ng pamamaril sa Chicago

Sugatan ang isang pulis sa insidente ng pamamaril na naganap malapit sa isang pagamutan sa Chicago.

Sa ulat, rumesponde ang mga otoridad dahil nakatanggap sila ng report na mayroong namamaril malapit sa Mercy Hospital.

Pagdating sa lugar agad pinaputukan ng suspek ang mga pulis na ikinasugat ng isa sa mga otoridad.

Kritikal ang kondisyon ngayon ng nasabing pulis.

Isa naman sa mga namaril ang tinamaan din ng bala ng mga rumespondeng otoridad.

Nagpapatuloy pa ang paggalugad sa lugar dahil posible umanong hindi nag-iisa ang suspek.

Read more...