3 suspek sa ilegal na droga kabilang ang magulang ng aktor na si Hiro Peralta arestado sa buy-bust

Arestado ang tatlong drug suspects sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Kabilang sa nadakip ang mag-asawang sina Engelbert at Jean Peralta, na magulang ng actor na si Hiro Peralta.

Kinilala naman ang isa pang naarestong suspek na si Ronnie Telan.

Ayon sa mga tauhan ng QCPD, nakabili ng P500 halaga ng shabu ang kanilang poseur buyer mula kay Engelbert at ang perang pinagbentahan ay ibinigay nito sa asawang si Jean.

Nakuha mula sa mga suspek ang 19 na sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na limang gramo at nagkakahalaga ng P34,000.

Si Engelbert ay naaresto na noong taong 2015 matapos mahulihan ng illegal na droga.

Sumuko rin ito sa Oplan tokhang at kasama sa drug watchlist ng Barangay Bagbag.

Read more...