Resto bar sa Baclaran nasunog

Tinupok ng apoy ang isang resto bar sa Baclaran, Paranaque City.

Nagsimula ang sunog pasado alas 4:00 ng madaling araw ng Martes, Nov. 20.

Ang nasunog ay isang beer house sa bahagi ng Quirino Avenue at Airport Road.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog na agad din namang naapula makalipas ang ilang minuto.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Read more...