Sa survey na ginawa mula September 15 hanggang 23 sa 1,500 adults sa buong bansa, lumabas na -16 ang trust rating ng mga Pinoy sa bansang Tsina.
Bagaman mababa, 19 na puntos naman itong mas mataas sa -35 score noong Hunyo.
Para naman sa Estados Unidos, ‘very good’ ang net trust rating matapos maitala ang +59 score nitong Setyembre na anim na puntos na mas mababa sa +65 score noong Hunyo.
‘Moderate’ naman ang trust rating ng para sa Japan na may +28 score ngayong ikatlong quarter ng taon.
Ang naturang survey ay ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula sa 600 katao sa Balance Luzon, at tig-300 sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.