Trabaho sa Senado, suspendido ngayong araw

Kasabay ng pagsasara ng mga kalsada dahil sa pagdating ni Chinese President Xi Jinping sa bansa, inanunsyo ng Senado na suspendido ang trabaho at sesyon ngayong araw ng Martes, November 20.

Sa isang text message na ipinadala sa mga kawani ng media, sinabi ni Senate President Tito Sotto na walang pasok ang Senado ngayong araw.

Dahil sa pagsasara ng ilang mga kalsada, ilang mga resourse persons ang hindi makakarating sa Senado kaya naman kinansela na ang hearings na nakatakda sana ngayong Martes.

Dagdag naman ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri, isa pa sa dahilan ng pagkansela sa trabaho at sesyon sa Mataas na Kapulungan ay dahil kailangan ng mga lider ng Senado na pumunta sa Palasyo ng Malacañang upang dumalo sa State Dinner.

Bagaman nasa bansa pa rin si Xi sa Miyerkules, November 21, ay balik naman sa regular na sesyon ang Senado sa araw na ito.

Read more...