Pormal ng nakuha ng Mislatel Consortium ang Certificate of Confirmation bilang ikatlo at bagong major telecommunication player sa bansa.
Ayon kay Atty. Adel Tamano, tagapagsalita ng Mislatel Consortium, matindi ang commitment nila sa gobyerno na ipagkakaloob nila ang 27 mbps na bilis ng kanilang internet connection sa unang taon at 55mbps sa ikalawang taon na halos kasing bilis ng koneksyon sa Singapore.
Kapag hindi umano nila natupad ang commitment nila sa pamahalaan, maaring bawiin ng gobyerno ang prangkisa at frequency nila.
Inaasahang magsisimula ang operasyon ng Mislatel sa kalagitnaan ng 2019.
Ang Mislatel Consortium ay binubuo ng China Telecom at negosyanteng si Dennis Uy.
READ NEXT
Sen. Drilon, hiniling kay Duterte na iparating kay Xi ang delay sa pangakong pautang at investment ng China
MOST READ
LATEST STORIES