Umaasa si Dirlon na hindi isang kaso ng pangakong napako ang loan agreements na pinirmahan ng Pilipinas sa gobyerno ng China.
Ayon sa senador, dapat magdemand ang bansa na tuparin ng China ang mga pangako nito.
Binanggit ni Drilon na karamihan sa mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build infrastructure projects ay nakadepende sa pautang ng China na anya nababalam na sa ngayon.
Halos dalawang taon na aniya nang malagdaan ang iba’t ibang loan agreements pero hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung kailan maibibigay ang mga pangakong pautang at investment.
Nais din ng Senador na talakayin ng Pangulo kay Xi ang isyu ng West Philippine Sea kabilang ang reklamo ng mga mangingisdang Pilipino na hinaharass ng Chinese Coast Guard.