MTRCB, iginiit na hindi sila nagse-censor ng mga palabas

Iginiit ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na hindi sila nagsi-censor ng palabas.

Pahayag ito ni MTRCB chairperson rachel arenas sa gitna ng kontrobersya sa teleseryeng “Ang Probinsyano.”

Ayon kay Arenas, hindi na sakop ng MTRCB ang pagpapatigil sa programa dahil sa reklamo ng PNP na sumama ang kanilang imahe dahil sa palabas.

Paliwanag ni Arenas, mula pa noong 2016 ay nakikipag-ugnayan na sila sa produksyon ng “Ang Probinsyano.”

Dagdag ng MTRCB Chair, hindi rin nila pwedeng ipagbawal ang negatibong pagsasalarawan dahil ang ahensya ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng freedom of expression at karapatan ng gobyerno na mag-regulate.

Sa isyu naman kung mali ang pagsasalarawan sa mga pulis sa naturang programa, sinabi ni Arenas na dapat ay may redeeming factor o magandang value na nakukuha ang manonood.

Sa mga past episodes naman anya ng “Ang Probinsyano” ay may natutunan ang mga bata, na ang kabutihan ay laging namamayani laban sa kasamaan.

Sinabi pa ni Arenas na sa panuntunan ang MTRCB, wala silang nakikitang paglabag ang teleserye.

Read more...