Mall sa San Juan, iimbestigahan kung may pananagutan sa pagkahulog ng isang sasakyan mula sa parking lot nito

Photo credit: Russel Andos

Imbestigahan ng San Juan City Council kung may pananagutan ang pamunuan ng isang shopping mall sa Greenhills kaugnay ng pagkahulog sa parking lot ng sasakyan ng biyenan ni Sen. Grace Poe.

Ayon kay Sr. Supt, Dindo Reyes, hepe ng San Juan City Police, plano ng San Juan City Council na maghain ng resolusyon para imbestigahan ang parking lot incident sa Greenhills Shopping Mall.

Simula aniya sa Miyerkules ay susuriin kung nasa standard ang parking barriers at parking stoppers na inilagay ng management.

Nakatakdang ipatawag ng city council ang contractor at management para malaman kung tama ang inilagay nilang parking barrier at stopper.

Isa sa mga nakitang isyu ng pulisya ay kulang ang stopper na nakalagay sa parking lot.

Dapat aniya ay dalawa ang parking stopper at hindi isa lang.

Sinabi pa ni Reyes na isa sa mga layon ng imbestigasyon ay ang rekomendasyon na ang mga nagmamanehong senior citizen ay kung pwedeng sa ground level lamang mag-park.

Nasugatan ang 83 anyos na biyenan ni Senator Poe na si Teodoro Paraiso Llamanzares matapos mahulog ang sasakyan nito sa third level ng parking lot sa naturang shopping mall.

Read more...