Base sa Memorandum Circular Number 53 na nilagadaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, inaatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ipagamit ang lahat ng assets na mayroon ang mga opisina ng pamahalaan, GOCCs at State Universities and Colleges para tumulong sa anti-illigal drugs campaign.
Paliwanag ng palasyo, layunin ng Memorancdum Circular na matulungan ang law enforcers tulad ng PDEA, Dangerous Drugs Board at anti-illigal drugs taskforce na masawata ang iligal na droga.
Nakasaad pa sa memo ng palasyo na bahagi ng polisiya ng estado para masigurong epektibo ang kampanya nito laban sa ipinagbabawal na gamot.