Sa manifestation sa plenaryo ng Kamara ni House Majority Leader Rolando Andaya, ito ay base sa liham ng Comelec na sinasabing tinanggal na si De Vera bilang nominado ng ABS Partylist.
Sa liham ng Comelec Law Department kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo nakasaad na base sa pasya ng Comelec En Banc inaalis na nito bilang nominee si De Vera.
Ang usapin ay kaugnay sa pagkwestyon ni dating ABS Partylist Rep. Catalina Pizarro sa pagiging bonafide member ni De Vera sa kanilang partylist group.
Ang second nominee ng ABS Partylist na si Ulysses Garces ang papalit naman kay De Vera sa Kamara.
Sinabi naman ni De Vera na hindi maaring magpasya ang Comelec dahil ayon sa Saligang Batas ang House of Representatives Electoral Tribunal lamamg ang may hurisdiksyon kung kwalipikasyon ng naiproklama ng kandidato ang usapin.
Iginiit nito, mayroon pa aniya siyang nabinbing kaso sa HRET laban kay Pizarro.