Panukala para 6 months extension ng Martial Law sa Mindanao, inihain na sa Kamara

Inihain na ngayon sa Kamara ang panukala para sa muling pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.

Base sa House Resolution No 2302 na inihain ni Iligan Rep. Frederick Siao, isinusulong nito na magkaroon ng anim na buwang martial law extension sa Mindanao.

Nakasaad sa panukala na kailangan na magkaroon ng pagpapalawig ng batas militar sa rehiyon dahil sa mga ulat na mayroong mga plano ang mga terorista.

Kasama na aniya rito ang banta ng ISIS at mga kaalyadong grupo gayundin ang mga drug syndicate sa Mindanao.

Kailangan anyang pagpapanatili ng seguridad sa 2019 midterm elections.

Bukod dito, marami pa anyang mga nagaganap na karahasan sa rehiyon.

Read more...