Nagdesisyun sina NDFP Negotiating Panel Chairman Fidel Agcaoili, Senior Adviser Luis Jalandoni at member na si Coni Ledesma na magtungo sa Maynila dahil siyu ng seguridad.
Sa inilabas na pahayag ni NDFP Chief Political Consultant Jose Maria Sison ay dahil pinagbantan ang mga ito na aarestuhin ng mga pulis at militar.
Dagdag pa dito aniya ang hindi pagbibigay ni Pangulong Duterte ng assurance na magiging ligtas ang mga ito.
Kulang din sa interes ang pangulo sa muling pagkakaroon ng usapang pangkapayapaan.
Nagbabala din aniya ang mga abogado ng NDFP sa court summons na ihahain sa mga ito dahil sa Proclamation 374 na nagsasaad na ang CPP at NPA ay mga terorista.
Ayon kay Sison ang pagkakaroon muli ng peace negotiations ay taliwas sa kagustuhan umano ng Duterte administration na makapagdeklara ng martial law sa buong bansa, pagtatatag ng ‘fascist dictatorship’ para kontrolin ang resulta ng 2019 elections at pagtutulak ng charter change sa isang bogus na uri ng federalismo.
Dagdag pa nito ang federalismo ni Duterte ay bogus dahil ang kapangyarihan ay napupunta sa kamay ng ng isang fascist dictator at kung saan may kakayahan ito na pumili ng mga dynastic lords at mga warlords bilang kanyang regional at provincial agents.
Aniya ang rehimeng Duterte ay ‘politically bankrupt’ dahil gumagamit ito ng mass intimidation, deception at mga pagpatay para pigilan ang legal na oposisyon at ang revolutionary resistance ng mga tao para magbigay daan sa isang ‘fascist dictatorship’ na ala Marcos.