Sinabi ni Sen. JV Ejercito, Chairman ng Senate Healh Committee, may limang isyu na kailangan pang plantsahin ng mga mambabatas at ng Department of Health.
Isa sa pinagtalunan ang katulad lang na benepisyo ng mga mahihirap at ang mga nagbabayad ng kontribusyon sa Philhealth.
Iginiit ni Senate President Ralph Recto dapat ay may insentibo ang mga nagbabayad ng kanilang Philhealth.
Pagdidiin nito kung magkatulad lang ang benepisyo ay baka wala ng magbigay ng kontribusyon para sa state health insurance.
Kaya ayon kay Ejercito, napagkasunduan na pag aralan munang mabuti ang magiging insentibo sa UHCB.
Aniya mabuti na ayusin muna ang mga butas sa panukala at maaring mangailangan pa ng tatlong Bicameral Conference bago mapaplusot ang panukala.