Pangulong Duterte, posibleng may sibakin na naman sa pwesto

Posibleng may sibakin na naman sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Miyerkules dahil sa umanoy kurapsyon.

Sa source ng Inquirer.net, nabatid na iniimbestigahan na ngayon ang naturang opisyal.

Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Papua New Guinea, sinabi ng pangulo na may tatanggalin siyang isa pang opisyal ng gobyerno pagbalik niya sa Pilipinas.

Iginiit ni Duterte sa harap ng mga Pinoy sa Papua New Guinea na ititgil niya ang katiwalian kaya pagbalik niya sa bansa ay mayroon na naman siyang sisibakin.

Sorry na lang aniya dahil talagang tatanggalin niya ang opisyal na hindi naman pinangalanan.

Read more...