Seguridad para sa pagbisita sa bansa ni Chinese Pres. Xi Jinping kasado na

Handa na ang seguridad para sa pagbisita sa bansa bukas ni Chinese President Xi Jinping.

Darating sa NAIA si President Xi bukas, Nov. 20 at mananatili dito hanggang sa Miyerkules, Nov. 21.

Naglagay na rin ng mga watawat ng China sa mga lugar na kabilang sa pupuntahan ni Xi sa Maynila at sa Taguig.

Habang nasa bansa, si Xi ay sa Shangri-La Hotel sa Bonifacio Global City, Taguig mananatili.

Hindi naman kasama sa schedule nito ang pagtungo sa Davao City.

Sa kaniyang pagdating sa NAIA Terminal 1, Martes ng umaga ay didiretso si Pres. Xi sa Rizal Park para sa wreath-laying ceremony.

Pagkatapos ito ay isang welcome ceremony ang sasalubong sa kaniya sa Malakanyang.

Magkakaroon siya ng bilateral meeting kay Pangulong Rodrigo Duterte, susundan ng Signing of of Exchange of Agreements at Joint Press Statements ng dalawang lider.

Kinabukasan, may courtesy call kay Pres. Xi sa Shangri-La Hotel sina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at Senate President Vicente Sotto III.

Read more...