Magkakaroon ng dayalogo sa pagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at mga producer ng teleseryeng “Ang Probinsyano”.
Ito ay para talakayin ang ilang usapin sa portrayal ng mga pulis sa nasabing programa.
Sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na nakipag-ugnayan sa ahensya ang producer ng Ang Probinsyano.
Ito ay upang matalakay aniya ang mga pamamaraan upang maresolba ang isyu na inihalad ng Philippine National Police.
Ani Año, bagaman kinikilala nila ang pahayag ng ABS CBN na “kathang-isip” lamang ang mga inilalahad sa programa ay sinabi nitong mayroon din namang limitasyon sa paggamit ng logo ng PNP, insignia, uniform at iba pa.
MOST READ
LATEST STORIES