Ito ay kaugnay ng pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.
Ayon sa abiso ng Supreme Court, sakop ng suspensyon ang pasok sa mga korte sa Maynila kabilang ang Mataas na Hukuman at Court of Appeals.
Una nang sinuspinde ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pasok sa mga paaralan at sa local government bukas.
Ito ay upang matyak ang kaayusan sa mga aktibidad ni President Xi.
MOST READ
LATEST STORIES