P3.757T budget para sa 2019 ipapasa ng Kamara sa susunod na linggo

Nasa finishing touches na ngayon ang binuong small committee na nag aayos ng mga amyenda sa panukalang P3.757T 2019 national budget.

Ayon kay Campostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, main plenary sponsor ng national budget at senior vice-chairperson ng House Committee on Appropriations, inaasahang sa susunod na linggo na nila maipapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 8169 o National Expenditure Program (NEP).

Paliwanag ni Zamora nasa final stages na lamang sila sa pag reconcile ng pagkakaiba at pag amyenda sa budget at matapos nito ay ipapa-print na nila na ito kaya target nilang maipasa ang panukala sa third reading sa Nobyembre 28.

Idinagdag pa ng kongresista na araw-gabi nagta trabaho ang small committee sa pakikipag-ungayan sa secretariat subalit talaga umanong maraming proseso dito kaya natatagalan .

Tiniyak naman niya na sa kabila nito ay maipapasa ang national budget sa takdang oras para sa susunod na taon.

Nauna nang siniguro ni Speaker Gloria Arroyo at Majority leader Rolando Andaya noong nakaraang linggo na walang re-enacted budget para sa susunod na taon.

Matatandaan na hindi agad naaprubahan ang national budget matapos na madiskubre na mayroon umanong P52 billion insertions ang nakaraang liderato ng Kamara kaya nagdesisyon ni Arroyo na i realign ang mga mahahalagang proyekto para sa equitable at fair distribution ng pondo.

Read more...