MILF leader bumisita sa Camp Aguinaldo

INQUIRER PHOTO| JULIE ALIPALA

(UPDATE) Inaasahang magiging makasaysayan ang pagpasok sa Camp Aguinaldo ng lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson, Brig. Gen. Edgard Arevalo, nagtungo sa Camp Aguinaldo si MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim.

Ito ay upang makipagpulong kay AFP chief Gen. Carlito Galvez Jr.

Sinabi ni Arevalo na ito ang kauna-unahan sa kasaysayan na tatapak sa headquarters ng AFP ang pinakamataas na lider ng MILF.

Sisimbolo aniya ito sa pagtatapos ng dekada nang problema sa pagitan ng militar at ng MILF.

Kabilang sa tinalakay nina Galvez at Murad ang ugnayan ng AFP at MILF sa combat, intelligence at civil-military operations.

Read more...