PUBLIC SERVICE: Emergency water interruption ng Maynilad sa Paranaque City, Las Pinas City at Bacoor City

Maghapong mahina hanggang sa walang suplay ng tubig ngayong araw ang bahagi ng Paranaque City, Las Pinas City at Bacoor City.

Sa abiso ng Maynilad, mula alas 6:00 ng umaga kanina hanggang alas 5:00 ng hapon mamaya ang water service interruption.

Apektado nito ang sumusunod na mga barangay:

LAS PINAS:
Almanza Uno
BF International/CAA

PARANAQUE:
Brgy. BF Homes

BACOOR CITY:
Molino II
Molino III
Molino VII
Queens Row Central
Queens Row East
Queens Row West
San Nicolas III

Ayon sa Maynilad, may problema sa raw water na nagmumula sa Laguna Lake at pumapasok sa kanilang Water Treatment Plant sa Putatan.

Read more...