Fiji Islands niyanig ng magnitude 6.9 na lindol

Walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos tumama ang magnitude 6.9 na lindol sa Fiji Islands.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol alas 4:26 ng madaling araw kanina (Lunes, Nov. 19) oras sa Pilipinas.

May lalim na 546 kilometers ang lindol na tumama sa Fiji Region.

Sinabi ng Phivolcs na ang malakas na pagyanig ay hindi magdudulot ng mapaminsalang tsunami saanmang baybayin ng bansa.

Read more...