Lalaki nangmolestya ng 14 anyos na dalagita, timbog!

Makati City Police

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na inaakusahang nangmolestya ng 14 anyos na dalagita sa Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.

Kinilala ang suspek na si Rolando Bulataon, 47 anyos at isang fruit vendor.

Ayon sa Makati City Police Precinct 3, nakita mismo ng ina ng biktima na pinangalanan lamang na si ‘Baby’ na nakahubad ang suspek at ang kanyang anak sa loob ng kanilang kwarto.

Kinumpronta ng ina ang suspek dahil sa nasaksihan at agad naman itong tumakas nang hindi nagpapaliwanag.

Dito na humingi ng tulong ang nanay ng biktima sa mga pulis.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Mahaharap ito sa kasong palabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law.

Read more...