Kris Aquino, walang kakayahang magpapatay – lawyers
By: Rhommel Balasbas
- 6 years ago
Iginiit ng kampo ni Kris Aquino na wala itong kakayahang magpapatay.
Sagot ito ng mga abogado ng Queen of All Media sa paratang ni Atty. Jesus Falcis na tinakot ni Aquino ang kanyang kapatid na si Nicardo ‘Nicko’ Falcis Jr.
Matatandang nagsampo si Aquino ng kasong qualified theft laban kay Falcis na kanyang business partner at project manager mula taong 2016.
Inaakusahan ni Aquino si Falcis ng iligal na paggamit ng pondo ng kanilang production company na Kristina C. Aquino Productions (KCAP) para sa personal use.
Ayon kay Atty. Falcis, ang pagbabanta ni Aquino kay Nicko ay ang dahilan kaya napilitan itong umalis ng bansa.
Samantala, kwinestyon naman ng mga abogado ni Kris ang pagsasalita ni Atty. Falcis para sa kanyang kapatid.
Wala pa anilang isinusumiteng counter affidavit si Nicko at wala pa rin namang warrant of arrest.
Giit pa ng kampo, ang pag-alis ng bansa at pagtatago ay isang ‘admission of guilt’.