Ito ay matapos nilang tambakan ang Adamson University sa iskor na 82-56 sa kanilang laban kahapon sa Mall of Asia Arena.
Pasok na ang Adamson sa Final Four ngunit ang pagkapanalo ng FEU ay dahilan para mapwersa pa ang laban ng Tamaraws kontra De La Salle para sa huling pwesto sa semis.
Parehong may win-loss record ang Tamaraws at Green Archers na 8-6.
Sa laban kahapon, sinulit ng FEU ang kawalan ng star players ng Adamson na sina Sean Manganti at Jerrick Ahanmisi.
Sinimulan ng FEU ang laban sa 14-0 lead na kanilang naging pundasyon at hindi na hinayaan pang mawala sa kanila ang momentum.
Umabot sa 34 na puntos ang lamang ng Tamaraws sa nahuhuling 54 segundo ng third quarter, 70-36, dahil sa three pointer ni RJ Ramirez.
Para kay FEU head coach Olsen Racela, masaya sila sa oportunidad na magkaroon pa ng isang laban para makasama sa final four.
“We still have one game to play to make it to the Final Four and we’re thankful for that opportunity, ani Racela.
Nanguna para sa Tamaraws si Wendell Comboy na may 11 points at four rebounds.
Si Jerom Lastimosa naman ang nanguna sa Falcons na mayroon ding 11 points at four boards.