Sa 10pm weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 785 kilometro Silangan-Timog-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, posibleng ngayong umaga ng Lunes, mayroon nang Tropical Cyclone Warning Signals na itaas sa eastern sections ng Visayas at Mindanao.
Posibleng makaranas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-uulan sa Caraga Region, Davao Oriental, Compostela Valley, Southern Leyte, Bohol, Camiguin, at Misamis Oriental ngayong araw.
Ibinabala ang posibilidad ng landslides at flashfloods sa mga nabanggit na lugar.