M3.4 na lindol, naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-12:24 ng madaling araw ng Lunes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 137 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim itong siyam na kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman nakapagtala ng pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...