12 katao, patay sa landslide at pagbaha sa Vietnam

AFP photo

Hindi bababa sa 12 katao ang nasawi bunsod ng pagbaha at landslide sa Vietnam.

Bumuhos ang malakas na ulan sa bahagi ng central Khanh Hoa province dala ng tropical depression Toraji.

Dahil dito, nagkaroon ng landslide at lubog sa baha at nasira ang ilang kabahayan.

Isinara sa mga motorista ang main highway na nag-uugnay sa north at south Vietman at pansamantalang itinigil ang railway operations.

Sa ngayon, daan-daang tropa ng pamahalaan ang ipinakalat para sa pagpapatuloy ng search operations at pag-ayos sa mga apektadong lugar.

Read more...