Duterte, balik-Pilipinas na matapos ang APEC Summit

Malacañang Photo

Nakabalik na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas matapos dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Papua New Guinea.

Batay sa ulat, nakalapag ang private plane ng Punong Ehekutibo sa Old Airport sa Davao City dakong 6:47 ng gabi.

Dumeretso si Duterte sa kanilang bahay gamit ang Bell chopper.

Hindi naman nagbigay ng arrival speech ang pangulo.

Hindi natuloy ang planong maagang pag-alis ni Duterte sa Papua New Guinea at sa halip ay tinapos ang mga event sa summit.

Read more...