Nagsama-sama ang ilang biktima ng Martial law, youth leaders at estudyante para magkasa ng kilos-protesta sa People Power Monument sa Quezon City, Linggo ng hapon.
Ito ay para iparating ang agarang pag-aresto kay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos matapos mahatulang guilty sa pitong counts ng graft.
Sa tala ng pulisya, aabot sa 200 katao ang nakiisa sa rally.
Ibinandera ng mga raliyista ang mga placards na may katagang “Imelda, Iselda” at “Marcos, Hukayin.”
Dala rin ng mga ito ang “people’s warrant of arrest” tarpaulin laban sa asawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Matatandaang pinayagan ni Imelda Marcos na makapagpiyansa sa halagang P150,000.
MOST READ
LATEST STORIES