Bilang ng Pinoy nurses na naghanap ng trabaho sa Amerika, tumaas – ACTS OFW

Inquirer File Photo

Aabot sa mahigit 7,000 na nurse ang naghahanap ng trabaho sa Amerika sa unang siyam na buwan ng 2018.

Ayon kay ACTS OFW spokesperson Francisco Aguilar Jr., base ito sa bilang ng mga Filipino nurse na kumuha sa US licensure examination.

Mas mataas aniya ito ng 26.5 percent kumpara sa mahigit 5,000 na nurse na kumuha ng pagsusulit noong 2017.

Bukod sa mga Filipino, mahigit 8,000 na Indian ang kumuha rin sa pagsusulit habang sumunod naman ang Puerto Ricans, South Koreans at Nigerians.

Ayon kay Aguilar, marami sa mga Filipino nurse ang sumusubok na makapagtrabaho sa Amerika dahil sa mataas na pasahod.

Read more...