NDFP chairman Fidel Agcaoili, maaring umalis sa Netherlands sa Nov. 19

Inquirer file photo

Tanging si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) chairman Fidel Agcaoili lamang ang maaring umalis sa Utrecht, the Netherlands sa Lunes, November 19, para umuwi ng Pilipinas.

Ayon kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison, ito ay kung walang bantang pag-aresto kay Agcaoili.

Uuwi ng bansa si Agcaoili para ayusin ang posibleng pagbabalik sa usaping pangkapayapaan sa gobyerno.

Ayon kay Sison, hindi na tutuloy sa pag-uwi sa bansa sina dating NDFP chairman at chief peace negotiator Luis Jalandoni at NDFP peace panel member Coni Ledesma dahil sa naging banta ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na aarestuhin ang mga ito.

Read more...